A Blog to Last a Lifetime

A Love To Last A Lifetime
CHRISTIAN BAUTISTA

♪ We’re fools we sometimes do crazy things
And our hearts would take wins like a sparrow
But that’s life
We’ll take each day as it comes
Never leaving the crumbs for the morrow
As for me, all of my days I will spend them all with you
Loving you with love to last a lifetime ♪

I AM SOOOOOOO BACK!

Sa mahigit isang taon ko sa mundo ng blogosperyo, hindi ko pa nagawa ang isara ang blog ko, maglagay ng maintenance plug-in at paisipin ang mga tao kung bakit. I never imagined that I would do that! But I did and it wasn’t fun. So I promise na that won’t happen again, unless I am closing this for good.

Nung isang araw, sobrang malungkot ako. I am wondering baket ako kelangang parusahan ng ganun ni Lord, baket nya ko kelangang bigyan ng matitinding trials. I was about to make a blog post. Pero tinamad ako, nawalan ng gana, nainis sa mga taong mahal ko, at napagdesisyonang isara ang blog ko temporarily.

Sa ilang mga araw na wala ang blog ko sa ere, biruin mo yun, may mga natutunan din ako. At eto, isshare ko sa inyo, para kung gusto niyo gawen, makapaghanda kayo.

  1. Mahirap pala mag-explain sa mga tao kung baket kailangang pansamantalang magsara ng blog. Siguradong may kanya-kanya silang spekulasyon kung baket. Kapag may nagtanong kung baket, hindi mo alam kung anong idadahilan mo. Alam nila na there is something wrong, pero sabi nga ni Rye, I don’t owe all of you an explanation. Salamat pala for that small talk, parekoy. Enjoy your long vacation. :)
  2. Ilang araw ko ding hindi binuksan ang blog ko, para icheck kung may nagcomment, *eh syempre sarado nga eh, pano may magcocomment?? duh.* Pero yung mga oras na dapat ay ginugol ko sa pagcheck ng blog ko, natuon ang atensyon ko sa ibang mga bagay. I got hooked with Plants vs. Zombies. Salamat sa aking mabait na officemate na nagshare ng file. Kaadik!
  3. Kapag may hindi pagkakaintindihan, mag-usap agad. Hindi pala tama yung wag magparamdam, dahil hindi naman tayo manghuhula. Hinde naten malalaman kung ano ang nararamdaman ng isa’t-isa kung hinde sasabihin diba? Kaya bago pa lumaki ang gulo, ayusin na sa simula pa lang.
  4. Ang mga taong akala mo eh laging nagmamataas, marunong din pala magsorry at mag-give-in para hindi na lumaki ang gulo. Minsan kelangan mong ipakita na matigas ka at matapang para makita mo kung sino ang mga taong takot na mawala ka. At masarap pala sa feeling yun. :)
  5. Sa mga gantong panahon, nalalaman mo kung sino ang mga taong nagpapahalaga sa’yo, yung tunay na nag-aalala sa’yo, yung tunay mong katuwang sa mga gantong sitwasyon. At madame pala sila, madaming-madami. Nakakahiya na nga dahil paulit-ulit nalang ang mga kwento ko, pero hindi sila nagsasawa. Hindi nga ba????

Sa lahat ng dumaan nung mga panahong sarado ‘tong bahay ko, sa mga nagtanong kung anong nangyari, kung may problema ba ‘ko, MARAMING SALAMAT PO! Fret not, hinde na po ito mauulit.

 

THE BLISSFUL BOBBY-SOXER IS BACK! :)

 

xO,

15 Responses to “A Blog to Last a Lifetime”

Leave a Reply

:1up: :alert: :ban: :beer: :borg: :coffee: :cuckoo: :cuss: :finger: :goombah: :stupid: :megaman: :mad: :pity: :noshake: :oogle: :pacman: :pill: :poison: :poop: :rant: :satansmoking: :shake: :shiftyeyes: :shroom: :sick: :smirk: :spammer: :stfu: :thumbdown: :thumbup: :turtle: :what: :whatever:

Archives
Categories